Lakas - Cöln

Lakas - Cöln

  • 출시년도: 2019
  • 언어: 타갈로그어
  • 지속: 5:27

아래는 노래 가사입니다. Lakas , 아티스트 - Cöln 번역 포함

노래 가사 " Lakas "

번역이 포함된 원본 텍스트

Lakas

Cöln

Araw-araw sa bawat oras na lumilipas

Tayo ay binigyan ng pagpipilian

Yun ay ang manatili sa kahinaan

O ang mas maging malakas

Hasain mo ang iyong sibat

Kamay mo ang iyong agimat

Takutin mo ang iyong takot

Sa dulo ka tumingin

Gumigiba ang iyong taglay

Buksan mo lang ang iyong malay

Pagdudahan mo ang iyong duda

Sa dulo ka tumingin

Balato ng buhay ang pagkakamali

Doon ka matututo bago ka magwagi

Tibayan ang utak ng 'yong pag-intindi

Bawat balakid ay may aral laging nakakubli

At kung sugat man ang bayad

Sa tikas ng pangarap kahit mahirap ay

Kakayanin ko

Ito ang alab ng puso

Laging handang

Ialay ang pawis at dugo

Hinding hindi sumusuko

Laging babangon

Sa tuwing ako’y mabibigo

Ang dibdib mo magdidikta

Kung san mo nais kang makita

Utakan mo ang iyong isip

At ibuhos ang lakas

Balato ng buhay ang pagkakamali

Doon ka matututo bago ka magwagi

Tibayan ang utak ng 'yong pag-intindi

Bawat balakid ay may aral laging nakakubli

At kung sugat man ang bayad

Sa tikas ng pangarap kahit mahirap ay

Kayang kaya ko

Ito ang alab ng puso

Laging handang

Ialay ang pawis at dugo

Hinding hindi sumusuko

Laging babangon

Sa tuwing ako’y mabibigo

Laging dapat bukas mas malakas

Di baleng lumagpas

Wag ka lamang umatras

Laging dapat bukas mas malakas

Di ako mapipigilang lumipad ng pataas

Laging dapat bukas mas malakas

Di baleng lumagpas

Wag ka lamang umatras

Laging dapat bukas mas malakas

Di ako mapipigilang lumipad ng pataas

Laging dapat bukas mas malakas

Laging dapat bukas mas malakas

Laging dapat bukas mas malakas

Mas malakas, mas malakas

Ang umpisa ng lakas

Ay manggagaling sa taas

Ang umpisa ng lakas

Ay manggagaling sa taas

Ito ang alab ng puso

Laging handang

Ialay ang pawis at dugo

Hinding hindi sumusuko

Laging babangon

Sa tuwing ako’y mabibigo

사이트에 새로운 텍스트와 번역이 추가되었습니다:

200만 개 이상의 가사

다양한 언어로 된 노래

번역

모든 언어로 고품질 번역

빠른 검색

몇 초 만에 원하는 텍스트를 찾으세요