Sirena - Gloc 9, Gloc-9, Ebe Dancel

Sirena - Gloc 9, Gloc-9, Ebe Dancel

  • 출시년도: 2014
  • 언어: 타갈로그어
  • 지속: 4:52

아래는 노래 가사입니다. Sirena , 아티스트 - Gloc 9, Gloc-9, Ebe Dancel 번역 포함

노래 가사 " Sirena "

번역이 포함된 원본 텍스트

Sirena

Gloc 9, Gloc-9, Ebe Dancel

Ako’y isang sirena

Kahit anung sabihin nila

Ako ay ubod ng ganda

Ako’y isang sirena

Kahit anong gawin nila

Bandera ko’y di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid

Naglalakihang mga braso, saki’y dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib

Simula pa nang bata pa ako

Halata mo na kapag naglalaro

Kaya parang lahat ay nalilito

Magaling sa Chinese garter at piko

Mga labi ko’y pulang-pula

Sa bubblegum na sinapa

Palakad-lakad sa harapan ng salamin

Sinasabi sa sarili anong panama nila,

Habang kumekembot ang bewang

Mga hikaw na gumegewang

Gamit ang pulbos na binili kay aling bebang

Upang matakpan ang mga pasa sa muka

Na galling sa aking ama na tila di natutuwa

Sa tuwing ako’y nasisilayan, laging nalalatayan

Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan

Na imbis na tumigas ay tila lalong lumambot

Ang puso kong mapagmahal parang pilik matang kulot

Ako’y isang sirena

Kahit anung sabihin nila

Ako ay ubod ng ganda

Ako’y isang sirena

Kahit anong gawin nila

Bandera ko’y di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid

Naglalakihang mga braso, saki’y dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib

Hanggang sa naging binata na ako,

Teka muna mali dalaga na pala to

Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin

Ano bang mga problema nyo?

Dahil ba ang mga kilos ko’y iba

Sa dapat makita ng inyong mata

Sa tuwing nanunuod ng liga laging na tutulala

Kahit di pumasok ang bola ako’y tuwang-tuwa

Kahit de kalyo na sa tapang

Kase ganon na lamang

Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang

Tama na naman itay di na po ako pasaway

Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay

Kapag ako’y na iiyak ay sumusugod sa ambon

Iniisip ko na lamang na baka ako’y ampon

Kase araw-araw na lamang ay walang humpay na banat

Ang inaabot ng ganda kong pang ilalim ng dagat

Ako’y isang sirena

Kahit anung sabihin nila

Ako ay ubod ng ganda

Ako’y isang sirena

Kahit anong gawin nila

Bandera ko’y di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid

Naglalakihang mga braso, saki’y dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib

Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa

Aking mga kapatid lahat sila’y sumama

Nagpakalayo-layo ni hindi makabisita

Kakain na po itay nakahanda na’ng lame sita

Akay-akay sa paglakad paisa-isang hakbang

Ngayo’y buto’t balat ang dating matipunong katawan

Kaya sayong kaarawan susubukan kong palitan

Ang lungkot na nadarama, wag na po nating balikan

Kahit medyo naiinis, hindi dahil sa nagkacancer

Kase dahil ang tagapag-alaga mo’y nakadaster

Isang gabi ako’y iyong tinawag, lumapit

Ako sayong tabi ika’y tumangan, kumapit

Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita

Anak patawad sana sa lahat ng aking nagawa

Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa muka

Dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla

Drum na may tubig ang sinisisid

Naglalakihang mga braso, saki’y dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib

Ako’y isang sirena

Kahit anong gawin nila

Bandera ko’y di tutumba.

아티스트의 다른 노래:

1

Pulubi

Gloc 9, Lirah • 2019

2

Sino Ka Ngayon?

Gloc 9, Jkris • 2021

3

Buhay

Gloc-9 • 2021

4

Quinta

Loonie, Gloc-9, Konflick • 2020

5

Alitaptap

Gloc-9 • 2021

6

Macho Rap

Gloc 9, Lirah • 2020

7

Para Sa Bayan

Gloc 9, Lirah Bermudez • 2019

8

Luma

Gloc-9 • 2021

9

Sana

Gloc-9 • 2021

10

Bahay Ni Gloc-9

Gloc-9 • 2020

11

Dungaw

Gloc 9, Keiko Necesario • 2019

13

KKK (Kanya Kanyang Kayod)

Gloc 9, Zjay, DJ Klumcee • 2019

14

Oka

Gloc-9, Loir • 2021

15

Sanib

Gloc-9, Loir • 2021

16

ALAM MO NA

Gloc-9 • 2023

17

Maulit Man

Gloc-9 • 2021

18

Otochun

Gloc-9, Geo Ong • 2020

20

Langit Lupa

Gloc-9 • 2021

사이트에 새로운 텍스트와 번역이 추가되었습니다:

200만 개 이상의 가사

다양한 언어로 된 노래

번역

모든 언어로 고품질 번역

빠른 검색

몇 초 만에 원하는 텍스트를 찾으세요