아래는 노래 가사입니다. Payapa , 아티스트 - Sud 번역 포함
번역이 포함된 원본 텍스트
Sud
Mula noong namulat ang mata
Daglian kong nalaman na ikaw pala
Ang hinahanap kong tahimik
Bawat pag-hinga'y isang tula’t usapang malalim
Kahit pa walang magsalita
Nakapikit habang hawak ang 'yong kamay
Rinig bawat pintig nati’y magkasabay
Marahan at tahimik ang habambuhay
Ngayon sa 'yo'y mahirap ng mawalay
Kung may ibig man sabihin ang salitang sapat
Ito’y nalaman ko sa piling mo, ngiti mo at lahat
Nais kong malaman mong ako’y naniniwala na
Sa payapa
Mula nung araw na nasilayan ka
Hindi na rin nagbago ang tingin
Walang minutong lumilipas na hindi kita pansin
Nais ko lang magpaka-lunod sa 'yong mga mata
Sambahin ka habambuhay hanggang ako ay mawala
At pipikit habang salabay ko lahat ng iyong bigat
Andito lagi ang balikat, ilagay mo lang lahat
Mabigat man ang pasakit
May habambuhay pa tayo para di mag-hiwalay
Kung may ibig man sabihin ang salitang sapat
Ito’y nalaman ko sa piling mo, ngiti mo at lahat
Nais kong malaman mong ako’y naniniwala na
Sa payapa
Mula nung araw na nasilayan ka
다양한 언어로 된 노래
모든 언어로 고품질 번역
몇 초 만에 원하는 텍스트를 찾으세요