아래는 노래 가사입니다. Huling Gabi , 아티스트 - Sugarfree 번역 포함
번역이 포함된 원본 텍스트
Sugarfree
Kapansin pansin ang iyong ganda ngayong gabi
At ang lungkot sa iyong mga ngiti
Ang kisplap sa iyong mga mata’y wala na
Kita sa yong tinging nagsasabing
Tapos na ang lahat sa atin
Ito na ang ating huling gabi
Hagkan natin ang bawat sandaling nalalabi
Ng gabing kailanma’y di malilimutan
Habang mata’y nakapikit, niyakap mo akong mahigpit
Hanggang lumuhang kay pait
Hanggang sa kahuli-hulihang saglit
Kumapit tayong tunay na pagkahigpit-higpit
(Kumapit din tayo ng mahigpit)
Hanggang may dumulas hanggang hindi na kaya
Sino ang unang bumitaw, sino ang unang bumigay?
(Minahal kita hanggang sa kahuli-huli)
Sino ang unang bumitaw, sino ang unang bumigay?
(Saan ba tayo nagkamali)
Ito na ang ating huling gabi
Hagkan natin ang bawat sandaling nalalabi
Ng gabing kailanma’y di malilimutan
Habang mata’y nakapikit, niyakap mo akong mahigpit
Hanggang lumuhang kay pait
Hanggang sa kahuli-hulihang saglit
Hagkan natin ang bawat sandaling nalalabi
Ng gabing kailanma’y di malilimutan
Habang mata’y nakapikit, niyakap mo akong mahigpit
Hanggang lumuhang kay pait
Hanggang sa kahuli-hulihang saglit
다양한 언어로 된 노래
모든 언어로 고품질 번역
몇 초 만에 원하는 텍스트를 찾으세요