Bente - UMPH, BLKD

Bente - UMPH, BLKD

Год
2015
Язык
`타갈로그어`
Длительность
170130

아래는 노래 가사입니다. Bente , 아티스트 - UMPH, BLKD 번역 포함

노래 가사 " Bente "

번역이 포함된 원본 텍스트

Bente

UMPH, BLKD

Si Berto ay kabataang kasama

Lumaking katu-katulong ng amang magsasaka

Sa pagpapabunga ng lupang ‘di kanila

Sa laki ng upa halos wala nang matira sa kita

Kaya matapos ang pangatlong bagyo

Matapos mamatay kanyang amang byudo

Pagka’t panginoo’y walang sinasanto

Sa pagbubuwis, sya’y lumayas

Sya’y nagpasyang lumikas sa Maynila

Pag-aangat ng kabuhayan ang adhika

Handang makipagsapalaran sa syudad

Kung san umano mas may oportunidad

Kaya’t isang tahimik na gabi ng Disyembre

Baon ay isang kabang bigas at bente

Sya’y nag-jeep, handa nang maglaboy

Dinukot nya ang bente, ibinayad kay Bhoy

Si Bhoy ay tsuper ng jeep

Nakikipasada lang kaya graveyard shift

Baon sa mataas na boundary at gasolina

Kapag walang mahiram na jeep wala syang kita

Kaya ngayong pagkagipit nya ay sumaklap

Pampakain pampaaral sa walong anak

Pambuhay sa pamilya, pangkotong sa parak

Kaysa raw magnakaw, sya’y bumatak

Sya’y namasada nang dalawang araw

Tuloy-tuloy, walang antok na dumalaw

Sinaid ang lakas ng katawan

Para lang masulit nahiram na sasakyan

Biglang umatake pagod nya sa byahe

Pagsakay ni Berto, agad umabante

Tinanggap ang bayad, paningin ay hazy

Tinitigan ang bente, isinukli kay Baby

Si Baby ay sales lady

High heels, low pay, eight hours daily

Kontraktwal, kada anim na buwan

Mangangaso na naman ng mapapasukan

Ngayon kabuwanan na ng kanyang kontrata

At ng kanyang pagdadalang-bata

Wala pa namang katuwang na asawa

Kaya’t lumuluha syang pumara

Sya ay nagtapos ng IT

Pagkakaron ng akmang trabaho pala’y unlikely

Nabuntis nang wala sa plano

Kaya nagtiis sa ibang trabaho

Ngayon pauwi sa may eskinita

Sya’y naglalakad nang biglang hinila

Punyal sa leeg, bantang sasaksakin

Dinukot nya ang bente, isinuko kay Ben

Si Ben ay batang maralita

Tubong komunidad na takda nang magiba

Sa hirap ng buhay ‘di nakapag-aral

Sa murang edad sya ay nangalakal

Ngunit nang magkasakit batang kapatid

Ultimo pangkain ay ‘di na maitawid

Hindi patas ang buhay, kanyang nabatid

Kaya’t sa patalim, sya’y kumapit

Sya ay nangholdap gabi-gabi

Mabilis ang pera at malaki-laki

Isinusugal ang buhay at kalayaan

Para lang sa kapatid na inaalagaan

Pagkakuha nya sa buntis ng bente

Sya’y tumakbo deretso sa palengke

Bumili ng bigas, humingi ng diskwento

Dinukot nya ang bente, ibinayad kay Berto

200만 개 이상의 가사

다양한 언어로 된 노래

번역

모든 언어로 고품질 번역

빠른 검색

몇 초 만에 원하는 텍스트를 찾으세요