Gising Na Kaibigan - Asin

Gising Na Kaibigan - Asin

  • 출시년도: 1994
  • 언어: 타갈로그어
  • 지속: 3:34

아래는 노래 가사입니다. Gising Na Kaibigan , 아티스트 - Asin 번역 포함

노래 가사 " Gising Na Kaibigan "

번역이 포함된 원본 텍스트

Gising Na Kaibigan

Asin

Nakita mo na ba ang mga bagay na dapat mong makita

Nagawa mo na ba ang mga bagay na dapat mong ginawa

Kalagan na ang tali sa paa

Imulat na ang 'yong mga mata

Kay sarap ng buhay lalo na’t alam mo kung saan papunta

May mga taong bulag kahit dilat ang mata

May mga taong tinatalian sariling kamay at paa

Problema’y tinatalikdan

Salamin sa mata’y hindi makita

Kay sarap ng umaga lalo na’t kung ika’y gising

Tanghali’y maligaya kung ika’y may makakain

Ang gabi ay mapayapa

Kung mahal sa buhay ay kapiling

Kay sarap ng buhay lalo na’t alam mo kung saan papunta

Gising na kaibigan ko

Ganda ng buhay ay nasa sa 'yo

Ang oras daw ay ginto

Kinakalawang lang 'pag ginamit mo

Kailan ka pa magbabago

Kailan ka pa matututo

Ang lahat ng ilog sa dagat patungo

Buksan ang isipan at mararating mo

Kay ganda ng buhay sa mundo

200만 개 이상의 가사

다양한 언어로 된 노래

번역

모든 언어로 고품질 번역

빠른 검색

몇 초 만에 원하는 텍스트를 찾으세요