
아래는 노래 가사입니다. Pag-asa , 아티스트 - Asin 번역 포함
번역이 포함된 원본 텍스트
Asin
Noong una kitang makita akoy natuwa
At may hawak ka pang isang lumang gitara
Inawit mo ang isang tugtugin nag bigay saya
Sa aking damdaming nag durusa
Binigyan mo ako ng pag asa
Nilutas mo ang aking mga problema
Sana wag kang mawala
Sa piling ko
Sana wag kang mawala
Dinagdagan mo ng lakas ang akin kalooban
Upang tanggapin ang katotohanan
Dinagdagan mo ng lakas ang aking kahinaan
Upang harapin ang kahirapan
Ginising mo ang tulog kong isipan
Inilawan mo ang madilim kong kapaligiran
Sana wag kang mawala
Sa piling ko
Sana wag kang mawala
Noong una wala ka pa akoy litong lito
Dahil sa mundong kay gulo
Nayon sa piling mo ako ay nahango
At nagkaisip ng matino
Sana hindi ka na magbago
Mula ngayon hanggang sa dulo
Sana wag kang mawala
Sa piling ko
Sana wag kang mawala
다양한 언어로 된 노래
모든 언어로 고품질 번역
몇 초 만에 원하는 텍스트를 찾으세요