Magnanakaw - Asin

Magnanakaw - Asin

  • 출시년도: 1994
  • 언어: 타갈로그어
  • 지속: 4:00

아래는 노래 가사입니다. Magnanakaw , 아티스트 - Asin 번역 포함

노래 가사 " Magnanakaw "

번역이 포함된 원본 텍스트

Magnanakaw

Asin

Ayon sa kasulatan, ayon sa mga nakaraan

Ayon sa mga nangyayari noon at sa nangyayari ngayon

Tayong mga Pilipino raw ay may ugaling magnanakaw

Mula pa no’ng unang panahon hanggang sa kasalukuyan

Ito kaya’y totoo, ito kaya’y nangyayari

Ito kaya’y nangyayari noon, nangyayari din kaya ngayon

Ito kaya’y dahil na rin sa ating katamaran

Hindi tapat sa gawain at sa iba’y nakikinabang

Tingnan mo ang iyong sarili, suriin mo ang iyong ginagawa

Ikaw ba’y isang magnanakaw at taong mapagsamantala

Hindi nagpapapawis, hindi lumuluha

Ginagamit ang galing sa hindi tamang gawa

Ang magnanakaw ay mapagsamantala

Magaling magkunwari, madaling makilala

Balat-kayong ginagamit kahit hindi sa pirata

Magnanakaw pa rin ang nakikita sa kanya

May nagnanakaw ng oras, talino at pawis

Pati ang galing kung minsa’y ninanakaw rin

Ano kaya ang dapat gawin ngayong alam na natin

Dahil na rin ba sa katamaran, hahayaan na lang ba natin

Tingnan mo ang iyong sarili, suriin mo ang 'yong ginagawa

Ikaw ba’y isang magnanakaw at taong mapagsamantala

200만 개 이상의 가사

다양한 언어로 된 노래

번역

모든 언어로 고품질 번역

빠른 검색

몇 초 만에 원하는 텍스트를 찾으세요